Ang nilalaman ng kasaysayan ng Iglesia ni Cristo ay nakasasalay at umiikot sa ikadalawampung siglo, na makikilala sa pagbangon ng mga kilusang laban sa kolonyalismo sa mga kanayunan, na kadalasan ay may temang pangrelihiyon. Sa panahong ito, ang mga misyonaryong mula sa Amerika ay nagpakilala sa kulturang Pilipino ng mga mapagpipilian sa Katolisismo na siya namang pamana ng mga Kastila.
Sa kanyang pagsasaliksik sa katotohanan mula pagkabata, si Felix Manalo ay nagpalipat-lipat sa iba't ibang samahang pangrelihiyon. Naging bihasa siya sa mga turo ng kanyang nasamahang relihiyon subalit sa bawat isa ay mayroon siyang nakitang mga kakulangan. At sa ganitong pagkabigo ay sinubukan din niya ang mga samahang ateista at agnostiko. Subalit maging ang mga ito ay hindi napunan ang kaniyang pangangailangang espiritual. Isang araw, gamit ang mga panitikang naipon niya mula sa mga relihiyong kanyang nasamahan, at dala maging ang bibliya, siya ay nagkulong sa isang silid at doon sinimulan niya ang pangsariling pagsasaliksik sa tunay na relihiyon. Pagkatapos ng tatlong araw at gabi, lumabas siya dala ang mga aral na siyang magiging saligan ng mga turo ng Iglesia ni Cristo.
Nagsimula ang INC sa kakaunting kaanib nuong Julio 27, 1914 sa Punta, Santa Ana, Maynila na ang punong ministro ay si Manalo. Ipinalaganap ni Manalo ang kanyang mensahe sa kanyang pook at unti unti niyang napalaki ang Iglesya. Ipinagwalang bahala ito ng Iglesya Katolika sa paniniwalang ito ay lalagpak. Inakala nila na ang paglaki ng Iglesya ay dahil lamang sa ito ay isang bagong bagay, gaya ng Protestantismo. Naniwala sila na hindi makakatindig si Manalo sa mataas ng uri ng kaalamang pangteologo ng Katoliko. Subalit nagpatuloy ang paglaki ng Iglesya maging sa gitna ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nuong 2005, pormal na kinilala ng Iglesya Katolika ang pagiral ng Iglesya ni Kristo at binansagan ito na isa sa mga lumitaw na may kapanyarihang pangkating pagrelihiyon. Malayo na ang narating ng Iglesya mula ng kanyang pagkatatag. Ngayon, ang mga ministro ang Iglesya ay kasing bihasa na ng kahit aling mangangaral Kristiano, at kayang makipagmatwiranan sa banal na kasulatan maging sa orihinal ng griyego.
Nang lumalaki na ang bilang ng organisasyon, humirang siya ng mga delegado para magpakilala ng turo ng Iglesia ni Cristo sa ibat ibang lupain, kabilang na ang mga nasa labas ng bansa. Noong namatay si Felix Manalo, taong 1963, ang kaniyang anak na si Eraño Manalonaman ang siyang humalili bilang ehekutibong ministro o Tagapamahalang Pangkalahatan at si Eduardo V. Manalo naman ang "deputy executive minister" o II Tagapamahalang Pangkalahatan.
Umabot na sa limang daang libo apat na raan (5,400) kongregasyon na kung tawagin ay lokal sa mahigit na 90 na bansa at territoryo sa buong mundo ang inaabot ng Iglesia ni Cristo.Kilala rin ang Iglesia ni Cristo sa Hawaii at California, dalawang estadong kilala sa dami ng imigranteng Pilipino. Bagamat hindi naglalabas ang Iglesia ni Cristo ng tunay na bilang ng kanilang miyembro, ang Catholic Answer ay naniniwala na sila ay maaring nasa pagitan ng 3 hanggang 10 milyon.
Sa Pilipinas, may programang itinatanghal at sumasahimpapawid sa radyo DZEM-AM-954kHz, DZEC 1062 kHz-AM at telebisyon Net 25, dalawang istasyong pag-aari ng INC at maging sa GEM-TV Channel 49-UHF ng Eagle Broadcasting Corporation.
Sa Hilagang America, isang programang pantelebisyon ang may pangalang "The Message" na produced naman ng Iglesia ni Cristo sa San Francisco Bay Area. Sa kasalukuyan ito ay naisahihimpapawid sa Estados Unidos at Canada at sa ilang bahagi ng Europa. Ang tatlumpong minutong programang ito ay tinatampukan ng ibat ibang pagtalakay ukol sa mga aral na sinasampalatayanang aral ng Iglesia Ni Cristo.
Mayroon ding magasin para sa kongregasyon sa buong mundo na may pamagat na "God's Message" (kilala rin sa dating tawag na Pasugo). Ang God's Message ay naipiprinta sa Tagalog at Ingles na edisyon. Mayroong mga edisyon na parehong may Tagalog at Ingles. Ang magasin na ito ay binubuo ng mga liham sa editor, balita sa mga lokal sa buong mundo, relihiyosong tula, at mga artikulo hinggil sa pananampalatayang pang Iglesia ni Cristo, direktoryo ng mga lokal sa labas ng Pilipinas, at nagpapalabas din ng mga talapalabas ng mga serbisyong pagsamba. May mga pamphlets din na ibinibigay sa mga miyembro na nagpapakilala sa mga paunahing tagapagsalita tuwing mayroong nakatakdang pagsamba.
Mayroon ding gawaing naglalayon nang pagtulong sa mahihirap. Nakapagtatag na sila ng pabahay gaya ng "Tagumpay Village" at nagbibigay ng libreng gamutan at serbisyong dental sa mga proyektong gaya ng "Ling
Ang pagsapi sa Iglesia ni Cristo ay ibinibigay sa pamamagitan ng bautismo. Ang sinuman na gustong mabautismuhan ay dapat munang sumailalim sa mga Bible study on doctrines, kung saan itinuturo ang dalawampu't anim na doktrina, matapos nito ay susubukin sila sa mga pagsamba na inaabot ng anim na buwan o mahigit pa kung hindi tuloy-tuloy. At kung ang aanib ay nagpasya na at tiyak nang sumasampalataya sa mga doktrina ay saka lamang sila tatanggap ng banal na bautismo. Kapag sya ay nakarehistro na sa kanilang lokal, sya ay binibigyan ng tarheta kung saan ay dapat itaob tuwing sasamba. Sa Estados Unidos, meron tatlong karagdagang aral na itinuturo na karamihan ay naglalaman ng impormasyon ukol sa bahay sambahan at ang pagsisimula nito sa Pilipinas. Ang mga aral na ito ay nakasulat sa libro ng doktrina na isinulat ni Eraño G. Manalo na pinamagatang Fundamental Beliefs of the Iglesia ni Cristo. Ang libro ay ibinibigay sa mga ministro, ebanhelikal na mangagawa, at mga estudyanteng ministro ng INC. Bawat aral ay madalas na nagtatagal ng kalahati hanggang isang oras.
Source: (http://tl.wikipedia.org/wiki/Iglesia_ni_Cristo)
No comments:
Post a Comment