Mula sa Bibliya...
Sa loob ng labing-pitong daang taon ang Kristiyanismo ay nahubog sa teolohikal na sistema na nababatay sa Griyegong pilosopiya at sistemang nauugnay sa Neo-platonismo. Ang paniniwalang may iisang Diyos ang pinakasimpleng mensahe ng bibliya sa pinagbuklod na pahayag ng Diyos sa tao sa dalawang testamento ay iniiba at di-tumutugma dahil sa kapakanan ng kapangyarihan at sa kapangunahan ng mundo.
Ang huling resulta ay kung ano ang naiintindihan sa kayarian katulad ng inihain sa kapulungan ng Nicaea (c. 325 AD), Laodecea (c. 366 AD), Constantinple (381 AD), at Chalcedon (451 AD). Ang kayarian ang siyang bumago sa pag-unawa sa Diyos sa pamamagitan ng mga naisulat nasiyang lumikha sa Tatlong Persona. Ang kapulungan ng Laodicea (canon 29) ay lumabag din sa araw ng pangilin, bilang kapalit, tinanggap nila ang paganong pista mula sa Linggong pagsamba patungo sa Disyembreng Pista ng Araw at ang Mahal na Araw ay ipinalit sa Paskuwa. At ang isa pang napalitan ay kung paano unawain ang paraan at kautusan sa bibliya na dapat ipaliwanag. Ang kautusan n ibinigay kay Moises ay sinasabing hindi na kaugnay-ugnay at ang Bagong Tipang pahina na ipinaliwanag muli upang bigyang katarungan ang kasalukuyang paganong gawi.
Isang halimbawa, ang batas sa mga pagkain na inalis dahil sa maling paggamit ng Gawa 10 at ng iba pang kasulatan. Madaling nakita ang epekto nito sa kalusugan ng tao. Subalit, ang resulta sa kapaligiran ay tunay na makikita lamang pagkalipas ng mga dalawang libong taon. Ang pagkaputol ng ikot ng pagkain (food chain) ay kinabibilangan ng, sa malalaking antas, na pagkonsumo ng pagkaing ipinagbabawal sa bibliya.
Ang pagkapeste ng mga lupain ay makikita lamang pagkatapos na ang lupa ay sairin ng hindi pagsunod sa hubileong sistema at ang pagpapahinga sa lupa dahil sa di-mabuong pag-uugnay sa kalendaryo na nababase sa ikalabing-siyam na taon ng siklo ng buwan ang pagpapakilala ng arawang kalendaryo na siya mismong pangunahing hakbang sa pagpuksa sa pang-unawang huwarang modelo at siklo na itinatag ng Diyos na natayo para sa likas na armonya.
Ang Kristiyano ay may maliit lamang na pagkakatulad kung mayroon man sa orihinal na Kristiyano. Ang pag-usbong ng Islam at ang gulo sa kanila ay walang pasubaling resulta ng maling sistema ng Kristiyano na nakatakda na sa Europa at sa Kanlurang Asya sa pamamagitan ng sistemang teolohikal ng Griyego na ginagamit ang teolohiyang Cappadocian na base sa paniniwalang may tatlong Diyos at tinangkang mistikal na pagbuklurin ito sa Diyos at bilang Diyos.
Ang paniniwalang may tatlong Diyos ay ‘di nagtagumpay. Ang huling resulta sa ikalabing-pitong daan taon ng maling doktrina ay naging malapit na pagkawasak ng planeta at ang pag-uusig sa mga tao na tunay at nagpupumilit na sumusunod sa kautusan ng bibliya.
Ang layunin ng gawaing ito ay ihiwalay ng malinaw at simple sa posibleng paraan ang tunay na mensahe ng Bibliya at ng Bagong Tipang iglesia sa ilalim ni Hesus Kristo at ng mga apostoles. Walang alinlangan ang ibang tinatanging pabula ay mahahamon at wawasakin sa kung ano ang sinasabi dito. Ang gawaing ito ay isinulat upang ito ay malapit hangga’t maaari sa serye ng biblikang pahayag o bigay-kahulugan na sumusuporta sa binabanggit ng teksto. Sa ganoong paraan ang pag-aaral sa gawaing ito ay hindi naman malabo at ang nilalaman ng pahayag ay malinaw. Na kung saan posibleng ang kumpletong hanay ng teksto sa isang paksa ay nakatala upang maiwasan ang lahat ng lumalaganap na gawi ng pag-uulit ng bukod o pag-uulit ng maling pagbuo ng teksto. Ang ibang biblikang teksto ay pangkaraniwan huwad (e.g. 1Jn. 5:7 KJV; 1Tim. 3:16 KJV mula sa Codex A), o maling pagsasalin (1Cor. 15:28 RSV etc; Apo.3:14 NIV at iba pa), ginawa upang salungatin ang teksto na sinusuportahan ang paniniwalang may tatlong Diyos o Cappadociang sistema kung kailan naipakita ang pagbubukod.
Sa pagbabalik ng Mesiyas muli niyang ipakikilala ang kabuuan na sistema ng kautusan na ibinigay niya kay Moises sa Sinai. Lahat ng Kristiyano ay may obligasyong kilalanin at isagawa ang sistema ng pamumuhay at pagsamba na ipinapakita ng Bibliya. Ang Kristiyano ay obligadong tularan ang paraan ng pamumuhay ni Hesus Kristo at mabuhay sa sistemang ipinakilala niya ng nabubuhay pa siya bilang tao at bago nagkatawang-tao. Ang gawaing ito ay inaalay sa pagllikha ng buong sistema na nagkakaisa at madaling kilalanin na paraan upang ang maling sistema ng ikalabing-pitong daan taon ay maaari ng tanggalin at ang orihinal at totoong paraan ay maaari ng ipakilala at isagawa sa buhay ng lahat ng tao kahit anupaman ang ginawa nila sa nakaraan. Ang atin tungkulin ay tawagin ang mga ito sa pagsisisi at pagbabagong-buhay.
Eloah ang Diyos ng Lumang Tipan at ang Templo at ang diyos ni Hesus Kristo sa Bagong Tipan. Ang Templo sa Herusalem ay ang tahanan ng Eloah (Ezra 4:24; 5:2,13,15,16,17; 6:3,5,7,8,16,17; 7:23). Siya ang Eloah ng Israel (Ezra 5:1; 7:15), ang makapangyarihang Eloah ng langit (Ezra 5:8,12). Siya ang dahilan ng pagpapakasakit sa Templo (Ezra 6:10) na siyang dahilan ng pamamahay ng kanyang pangalan (Ezra 6:12). Siya ang nag-utos ng pagtatatag ng Templo (Ezra 6:14) at ang mga pari ang siyang tumatayong tagapaglingkod niya (Ezra 6:18; 7:24) at gumagawa ng kanyang nais (Ezra 7:18). Ang kautusan ay kautusan ng Diyos sa langit (Ezra 7:12,14). Sa mga nakakaalam ng kautusan ng Diyos ay dapat ituro sa mga ‘di pa nakakaalam (Ezra 7:25) at ang paghusga ay sa kautusan ng Diyos (Ezra 7:26). Ang katauhang ito ay ang Ama na siyang nag-iisang Diyos at kataas-taasang Diyos, ang Ama ng Mesiya at lahat ng anak ng Diyos.
No comments:
Post a Comment