Palaspas
Palaspas, ginugunita ng lahat ang pagsalubong kay Kristo sa Herusalem. Ang mga tao ay nagdadala ng mga palaspas na may mga dekorasyong papel, para bindisyunan ng pari. Sinasabi na ito ang nagpo-protekta sa tahanan sa anumang kalamidad. Sa ibang lugar ito ay sinusunog at ang abo nito ay hinahalo sa banal na tubig at halamang-ugat. Ginagamit ito upang makagaling ng mga sakit sa tiyan.
Palaspas, ginugunita ng lahat ang pagsalubong kay Kristo sa Herusalem. Ang mga tao ay nagdadala ng mga palaspas na may mga dekorasyong papel, para bindisyunan ng pari. Sinasabi na ito ang nagpo-protekta sa tahanan sa anumang kalamidad. Sa ibang lugar ito ay sinusunog at ang abo nito ay hinahalo sa banal na tubig at halamang-ugat. Ginagamit ito upang makagaling ng mga sakit sa tiyan.
Pabasa
Tuwing Lunes Santo, nagsusuot ang pari sa misa ng kulay purple. Ang mga banal na imahen sa simbahan ay nababalutan ng purple, na sumisimbolo sa kalungkutan ng mga araw na darating. Sa labas ng simbahan maririnig ang malakas na himig ng mga matatandang babae, ilang lalake, at ng mga kabataaan, na nagsasama-sama sa isang lugar upang bumasa ng Pasyon. Ang gawaing ito ay tinawag na pabasa. Ito ay sinisimulan ng umaga at matatapos ng hatinggabi ng Semana Santa. Iba-iba ang tono nito depende sa pinuno ng pabasa. Mayroong tonong pangmatanda at may tono ring pambata.
Via Dolorosa
Tuwing Miyerkules Santo, may prusisyon ng mga banal na imahen na pagmamay-ari ng mga panatikong pamilya na sinasamahan ng mataimtim na tugtugin. Ang mga apostol na sina Mateo, Juan, at minsan si San Pedro ay kasama rin sa prusisyon. Sa ibang lugar ay hindi kasama si San Pedro bilang parusa sa pagsisinungaling na di niya kilala si Kristo. Si Veronica ay makikitang may hawak na belo na ipinunas niya kay Kristo.
Nanduon din ang Tatlong Maria. Sila ay sina Maria Jacobe na may hawak na walis upang linisin ang puntod ni Kristo pagkatapos ng Kanyang libing; si Maria Magdalena, ang may hawak ng bote ng alak na ginamit niya upang linisin ang paa ni Kristo sa isa nitong pagpupulong; at si Maria Salome, hawak ang insenso upang gamitin sa libing ni Kristo. Ang imahen ni Kristo sa Gethsemane ang unang ipinuprusisyon. Sinusundan ito ng unang istasyon ng krus, kung saan kinondena si Kristo ng kamatayan. Sumunod ang imahe ni La Pacensia, na inilalagay sa ulo ni Kristo ang koronang tinik. Sumunod ang kilalang imahen ng Nazareno na may dalang krus. Ang nasa likod niya ay Mahal na Ina na pasan-pasan din ang mabigat na krus sa kanyang puso. Kilala ang Mahal na Birhen bilang Mater Delarosa o Ina ng Dalamhati.
Tuwing Huwebes Santo, ang nakagawiang pagbisita sa pitong simbahan bago makinig ng misa ay tinawag na visita iglesia. Pinaniniwalaan na sa unang beses na pagtuntong mo sa simbahan, maaaring sabihin ang iyong nais matapos dasalin ang tigatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati sa Ama.
Paghuhugas
Tuwing Huwebes Santo, sa misa sa hapon ay inilalarawan ang huling hapunan ni Hesukristo kasama ang kanyang mga apostol. Walang kumakanta at walang batingaw. Ang tanging maririnig lamang ay ang kalabog ng kahoy na tagapalakpak, kilala sa tawag na mastraca.
Sa ibang nayon, ang pari at ang iba ang labindalawang apostol ay pupunta sa bahay ng isa sa kanila, para sa isang pribadong hapunan.
Ang Vigil, Adoracion Nocturna, ay ginaganap sa simbahan pagkatapos ng hapunan hanggang hatinggabi. Nagdarasal sila upang samahan si Kristo sa kanyang paghihirap sa Gethsemane, na kung saan nagunita na niya ang magiging paglilitis kinabukasan.
Panata
Tuwing Huwebes at Biyernes Santo, makikitaan ang mga kalsada ng mga taong nagpepenitensya, o nagpapanata. Ang iba ay sumasama sa senakulo at ang iba naman ay pinapahirapan ang sarili. Ang isa pang uri ng penitensiya ay ang pagpapatali sa krus. Sa ibang lugar sa Pilipinas, ipinapako ang tao sa krus.
Ang iba ay nananatiling ganito mula ng ilang minuto hanggang tatlong oras. Ang ilan sa kanila ay nawawalan ng malay dahil sa sakit na nararanasan nila habang nakapako sa krus.